Creamline Cool Smashers, humirit ng winner-take-all vs. Petro Gazz Angels

Creamline Cool Smashers, humirit ng winner-take-all vs. Petro Gazz Angels

MAS naging kapana-panabik ngayong ang final ng PVL All-Filipino Conference.

Kasunod ito ng matinding laban sa kagitan ng Creamline Cool Smashers at Petro Gazz Angels.

Matapos magwagi ang Angels sa game 1 ng kanilang best-of-three final series, nagawa namang makabawi ng defending champion sa kanilang game 2.

Sa first set ng kanilang laro, tinambakan ng Creamline ang Petro Gazz sa iskor na 25-15.

Pero sa second set, mabilis na nakabawi ang Angel sa iskor na 16-25.

Pagdating ng third set, muling nakuha ng Cool Smashers.

‘Yun nga lang, nagawang makahirit ng Petro Gazz ng deciding set.

Subalit mas nanaig ang pagnanasa ng defending champion na madepensahan ang kanilang titulo.

Nanguna sa panalo ng kopon si Bernadeth Pons na gumawa ng 22 points habang nag-ambag din ng double-digit points sina Jema Galanza, Jeannetee Panaga at Michele Gumabao.

Magaganap naman ang kanilang winner-take-all match sa ngayong Sabado, April 12 sa Philsports Arena.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble