PASOK na ang tatlong teams sa semifinals ng 2024-2025 PVL All-Filipino Conference.
Kasunod ito ng pagkapanalo ng Creamline Cool Smashers sa iskor na 20-25, 25-21, 25-22, 25-22 kontra Chery Tiggo Crossovers.
18 points ang ambag ni Bernadeth Pons para sa panalong ito ng Cool Smashers, habang sina Tots Carlos at Bea De Leon ay may tig-14 points.
Si Pangs Panaga ay may 8 points, habang sina Alyssa Valdez at Kyle Negrito ay may tig-6 points.
Sa semis ay kasama ng Creamline ang Choco Mucho Flying Titans at Akari Chargers.
Ang Petro Gazz Angels at ZUS Thunderbelles ay maglalaban pa para sa huling slot ng semis dahil pawang nanalo ang dalawang koponan ng isang beses sa best-of-3 quarterfinals.