Creamline determinadong makapasok sa finals

Creamline determinadong makapasok sa finals

DETERMINADO ang Creamline Cool Smashers na mapalawig ang kanilang final appearance sa ika-pitong pagkakataon. Nagwagi ang koponan via straight win sa iskor na 25-18, 25-19, at 25-19.

Pinangunahan ni Bernadeth Pons ang kanilang panalo na may 17 points habang nag-ambag ng tig-13 points sina Jeanette Panaga at Tots Carlos.

Malaking come-back ito para sa Creamline matapos talunin ng Angels. Sa ngayon, mayroong 1-1 standing ang Cool Smashers at kung magagawa nitong manalo laban sa Flying Titans, ay malaki ang posibilidad na makapasok ito sa final.

At kung sakali, maghaharap sa best of 3 series ng final ang Petro Gazz at Creamline.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble