Creamline, waiting na sa quarterfinals round matapos ma-sweep ang NXLED Chameleons sa qualifying round

Creamline, waiting na sa quarterfinals round matapos ma-sweep ang NXLED Chameleons sa qualifying round

MULING ipinamalas ng Creamline Cool Smashers ang kanilang pagiging number 1 seed sa nagpapatuloy na PVL All-Filipino Conference.

Sa qualifying round, hindi pinagbigyan ng koponan ang NXLED Chameleons matapos itong payukuin via straight set sa iskor na 25-18, 25-17, 25-17.

Dahil dito, pasok na sa quarterfinals ang Creamline kung saan waiting ito sa mananalong team sa play-ins.

Magsisimula naman ang kanilang matchup sa March 15.

Pinangunahan ni Bea De Leon ang Creamline sa laban kontra Chameleons na may 12 points kabilang ang six attacks, five blocks, at one ace.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble