Crime rate, bumaba sa unang buwan ng administrasyong Marcos

Crime rate, bumaba sa unang buwan ng administrasyong Marcos

BUMABA ng 11 porsyento ang naitalang krimen sa unang dalawang buwan sa pwesto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Batay ito sa datos ng PNP Directorate for Investigation and Detective Management  (DIDM) mula Hulyo 1 hanggang Setyembre 5,  2022, kumpara sa kaparehas na panahon noong 2021.

Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, partikular na bumaba ang 8 focus crimes na kinabibilangan ng murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, carnapping of vehicle at carnapping of motorcycle.

Kasabay nito, ipinag-utos aniya ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin, Jr. ang maigting na police visibility upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Nabatid na mahigit 80 porsyento ng mga pulis ang inatasang magpatrolya habang ang natitirang mga pulis ang tatanggap sa mga sumbong ng publiko.

Follow SMNI NEWS in Twitter