BINISTA ng crown prince ng Dubai ang indoor vertical farm na matatagpuan malapit sa Al Maktoum International Airport.
Nag-tour ang crown prince ng Dubai na si Sheikh Hamdan Bin Mohammed sa high tech vertical farm sa Dubai na nakakapag-produce ng isang libong toneladang leafy vegetables bawat taon.
Ayon sa crown prince, ang 3 ektaryang vertical farm na ito ay pinapatakbo ng Emirates Flight Catering.
Ito ay nagpapakita naman ng vision ng emirata na palakasin ang food security sa pamamagitan ng smart technology.
Ang proyektong ito ay isang joint venture sa pagitan ng emirates at Crop One, isang firm na espesyalista sa indoor vertical farming.
Ayon sa emirates ito na ang pinakamalaking indoor vertical farm sa mundo.
Ang indoor vertical farm na ito ay tinatawag na Bustanica, isang Arabic word para sa garden at matatagpuan malapit sa Al Maktoum International Airport.