PLANO ng Philippine Ports Authority (PPA) ang pagbubukas ng kauna-unahang cruise ship terminal sa bansa sa Oktubre.
Ayon sa PPA, panahon na aniya na ganap na ibalik ang cruise ship tourism matapos ang COVID-19 pandemic.
Sakaling ganap ng mabuksan, inaasahang bibisita ang mga turista sa mga makasaysayang mga lugar sa bansa gaya ng sa Ilocos Norte at Ilocos Sur.
Matatandaang inisyal nang nagsimula muli ang cruise ship tourism nitong Pebrero sa Ilocos Sur, Palawan at Bohol.
Samantala, noong 2019, aabot sa 48, 100 na mga turista ang nai-cater ng mga pantalan ng Salomague, Coron at Tagbilaran.