CTG at IP leader na si Datu Kaerlan Fanagel, nasawi sa engkuwentro sa Bohol

CTG at IP leader na si Datu Kaerlan Fanagel, nasawi sa engkuwentro sa Bohol

NASAWI sa engkwentro sa Bohol ang Communist Terrorist Group (CTGs) at Indigenous People (IP) LEADER na si Datu Kaerlan Fanagel.

Kinumpirma ng isang dating kadre ng teroristang grupong Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF), na ang isa sa mga nasawing miyembro ng NPA sa isang engkuwentro sa Bohol, walang iba kundi ang kilalang IP leader na si Datu Kaerlan Fanagel.

Hindi nakilala noong una ang 47-anyos na si Kerlan Fanagel sa mga nasawi sa engkuwentro dahil gumamit ito ng ibang pangalan at pekeng id na nagngangalang Rogelio Jorillo alyas Takoy mula sa Minglanilla, Cebu.

Ito ay nabunyag lamang nang lumantad ang kapatid niya galing Cebu upang kunin ang kaniyang mga labi.

Matatandaang noong Setyembre 7 anim na mga rebeldeng komunista ang na-neutralize ng 47IB, 3ID.

Ayon sa awtoridad, kabilang dito sina Jingler Compoc Alias Keth, Ruben Nabas alias Bogs; Nelson Lumantas Alias Brando, Rogelio Jorillo Alias Tacoy, Zusimo Estaniola Alias Emoy, at Jimjim Esagre Alias Oklo.

Datu Kaerlan Fanagel, kumpirmadong lider ng CPP-NPA ayon sa isang dating kadre

Dating secretary general si Datu Fanagel ng grupong Pasaka Southern Mindanao na IP group na binuo ng Communist Party of the Philippines (CPP) at ng South Mindanao Regional Committee; siya rin ang dating secretary general ng Sandugo Moro at IP National Alliance. Kumilos din siya bilang urban operator sa Lakbay Usa at Manilakbayan, na mga pawang programa ng CPP-NPA-NDF, ayon sa dating mga kadre.

Kabilang sa nagsalita si Datu Jumorito Jumong Guaynon na dating kadre ng CPP sa pagbuo ng organisasyon sa Kalumarang Mindanao.

Aniya, naging kasama niya rin si Kaerlan Faragel sa pagbuo ng ROL o mas kilalang Rebolusyunaryong Organisasyong Lumad sa Mindanao na isang underground-organization na konektado sa CPP-NPA-NDF.

Teddy Casiño at Cristina Palabay, mga operator ng CPP-NPA ayon sa dating kadre

Kaugnay sa isyung ito, ibinulgar din ni Datu Jumong ang ugnayan nina Teddy Casino, dating kinatawan ng Bayan Muna, at secretary general ng Karapatan na si Cristina Palabay sa CPP-NPA-NDF, batay sa isang larawan na inilabas ni Inday Espina Varona ng Vera Files.

Kaya pinanindigan ni Datu Jumong na walang red-tagging na nagaganap sa tuwing inuugnay ang mga ito sa CPP-NPA-NDF.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble