NAGDEKLARA ng 10-araw mourning period o pagluluksa ang Communist Terrorist Groups (CTGs).
Kasunod ito ng pagpanaw sa kanilang founding leader na si Joma Sison sa Netherlands.
Ipinag-utos din ng CTGs sa armed group nito na New People’s Army na mag-alay ng 21-gun salute para sa lider ng teroristang komunista na kinikilala nilang bayani.
Pero ang Regional Task Force 6 ELCAC ay tinawag ang ginawang ito ng grupo na walanghiya, makapal, at hindi nagsisi sa mga masamang ginawang karahasan sa bansa sa mahigit 5 dekada.
“The CPP-NDF-NPA is shameless, callous, impenitent, and is basically detached from reality when it has the gall to publicize a period of mourning for the death of Ka Joma who is as notorious as Pol Pot of the Khmer Rouge,” saad pa ni Prosecutor Flosemer Chris Gonzales, Spokesperson ng RTF6-ELCAC.
Dagdag pa ng RTF6-ELCAC, hindi kailan man mababago ng anumang pagtatakip nila kay Joma sa nalikhang perwisyo nito at ng kanyang grupo na nagresulta sa libu-libong pagkamatay ng mga inosenteng tao at pagluluksa ng kanilang mga kamag-anak.
“Sugar coating Jose Maria Sison will not change the fact that the monstrosity that he created, the CPP-NDF-NPA, is responsible for the deaths of thousands of Filipinos and whose deaths are still being mourned by thousands of families all over the country,” dagdag pa ni Prosecutor Gonzales.
Iginiit din ni Gonzales ng RTF6-ELCAC na si Joma ay na-designate bilang terorista.
Ang terorista aniya ay hindi akma na bigyan ng 21-gun salute.
“He is a designated terrorist. He founded the single most notorious terrorist organization in this country, the CPP-NDF-NPA. Terrorists are not among those who may be given the 21-gun salute,” pahayag pa ni Prosecutor Gonzales.