MULI nang ipinatupad sa Maynila ang curfew para sa mga menor de edad.
Saklaw nito ang mga wala pang 18 taong gulang mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.
Walang multa ang curfew; iuuwi lang ang mga kabataan o idi-deliver sa barangay hall.
Dating ipinatupad ito noong unang termino ni Mayor Isko Moreno.