Cybercrimes sa unang bahagi ng 2024, mas mataas kumpara noong 2023—PNP

Cybercrimes sa unang bahagi ng 2024, mas mataas kumpara noong 2023—PNP

MAS mataas kumpara noong 2023 ang naitalang cybercrimes sa unang bahagi ng 2024 ayon sa Philippine National Police (PNP).

Katumbas ng 21.8% ang pagtaas ng naitalang kaso ng cybercrime sa unang bahagi ng taon kumpara noong taong 2023.

Sa datos ng Anti-Cybercrime Group (ACG), sinabi ng PNP, madalas na scam sa online selling, credit card at investment ang kaso na kanilang naitatala kaugnay sa cybercrime.

Sa ngayon ay mas palalakasin pa ng PNP ang kanilang kampanya kontra cybercrime sa pamamagitan ng paglalaan ng maraming resources at pagpapaunlad ng kanilang kapabilidad.

Hinihikayat naman ng PNP ang publiko na huwag mag-atubili na lumapit sa kanila kung mabibiktima ng cybercrime.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble