IBINASURA ng isang piskal sa Quezon City ang reklamong cyberlibel na isinampa ni dating Sen. Antonio Trillanes IV laban kay dating Presidential Spokesperson Harry Roque.
Kinumpirma ito ni Department of Justice (DOJ) Spokesperson Mico Clavano nitong Miyerkules, Abril 23.
Dahilan ng pagbasura ang kakulangan ng ebidensiya sa kasong isinampa laban kay Atty. Roque.
Sa ngayon naman ay nasa Netherlands si Roque at naghain ng aplikasyon para sa political asylum kasunod ng pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Follow SMNI News on Rumble