MAGKAKAROON ng music comeback si Kyungsoo o mas kilala bilang D.O., ang vocalist ng South Korean boy group na EXO ngayong buwan!
Ang pangalawang mini-album ni D.O. na may pamagat na “Anticipation” ay ilalabas sa Setyembre 18.
Kasabay sa anunsiyo ay ang teaser photo ni D.O. na nakaupo sa harap ng isang mesa na mistulang may malalim na iniisip.
Noong Hulyo 26, 2021 nang i-release ng singer ang kauna-unahan nitong extended play na may pamagat na “Empathy.”