ISASAPRAYORIDAD ng Department of Agriculture (DA) at Office of the Presidential Assistant for Mindanao-Eastern (OPAMINE) ang pagpapaunlad sa Eastern Mindanao sa larangan ng agrikultura.
Ayon kay Leo Magno ng OPAMINE, nakikita ng DA na isa sa malaking suppliers ng agri products ang Mindanao kung kaya’t nababagay lang din itong tutukan.
Partikular na planong gawin sa Eastern Mindanao ang pagbibigay ng mas maayos na farming equipment, pagtataguyod ng farm modernization at productivity maging ang pagpapaunlad ng agri infrastructure.
Ipinangako ng OPAMINE na makikipag-ugnayan sila sa mga magsasaka sa rehiyon at sa kinauukulang government agencies hinggil dito.