DA, hihinto muna sa pag-aangkat ng sibuyas

DA, hihinto muna sa pag-aangkat ng sibuyas

PANSAMANTALANG ihihinto ng Department of Agriculture (DA) ang pag-angkat ng sibuyas.

Sa pahayag ni DA Sec. Francisco Laurel Jr., magtatagal ang suspensiyon ng pag-angkat hanggang sa buwan ng Mayo at posibleng aabutin pa ito ng Hulyo.
Paliwanag ng kalihim, sa kasalukuyan ay sapat ang lokal na produksiyon sa kinakailangan ng bansa.

Hakbang na rin ito ng ahensiya upang hindi lalong bababa ang farm gate prize ng lokal na sibuyas dahil sa sobra-sobrang suplay.

Sinabi lang nito na sakaling biglaan namang kakapusin dahil na rin sa El Niño ay mag-aangkat muli.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble