INIANUNSIYO ng Department of Agriculture ang estratehikong plano para sa distribusyon ng imbak na bigas ng National Food Authority (NFA) bilang pagtugon sa potensiyal na food security emergency.
Sa isang pahayag, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco “Kiko” Tiu Laurel Jr. na plano nitong makuha ang pag-apruba ng National Price Coordinating Council (NPCC) ngayong linggong ito upang ideklara ang national food security emergency, na mag-ootorisa para ipalabas ang mga imbak na bigas sa mga ahensiya ng pamahalaan at local government units (LGUs).
Ang inisyatiba ay dahil na rin sa patuloy na pananatili ng mataas na presyo sa ilang lugar sa kabila ng pagbaba ng pandaigdigang presyo nito pati na rin ang pagbaba ng taripa mula sa 35% at ginawa ng 15% noong Hulyo 2024 batay sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ayon kay NFA Administrator Larry lacson, plano ng ahensiya na magpalabas ng 150,000 metric tons – o tinatayang tatlong milyong 50-kilo bags ng bigas na lampas na sa anim na buwan, at prayoridad ang mga lugar na mataas ang presyo ng bigas.
Editor’s Note: This article has been sourced from the Department of Agriculture-Philippines Facebook Page.
Follow SMNI News on Rumble