DA, naglabas ng gag order

DA, naglabas ng gag order

NAGLABAS ang senior official ng Department of Agriculture (DA) ng gag order na nagbabawal sa mga opisyal ng ahensiya na maglabas ng statement at press release na walang clearance.

Kabilang din dito ang pagpapaunlak sa mga panayam.

Ayon kay Agriculture Senior Usec. Domingo Panganiban, kabilang sa mga ahensya na kailangan sumunod sa gag order ay ang lahat ng Bureau Directors, Head of Attached Agencies and Corporations, Regional Directors at Heads of DA Banner Programs.

Layunin ng memorandum na tiyakin na tama at hindi binago ang lumalabas na mga press release at statements ng ahensiya.

Ipinag-utos din nito sa lahat ng mga opisyal ng ahensiya na magsumite ng kanilang mga press release isang beses sa isang linggo.

 

Follow SMNI News on Twitter