DA pansamantalang ipinagbabawal ang pag-aangkat ng hayop o produkto nito mula Slovakia

DA pansamantalang ipinagbabawal ang pag-aangkat ng hayop o produkto nito mula Slovakia

INANUNSIYO ng Department of Agriculture (DA) na pansamantalang ipinagbabawal ang pag-aangkat sa bansang Slovakia ng mga hayop at mga produktong galing dito.

Saklaw ng import ban ay mga buhay na baboy, baka, at kalabaw.

Kasama na rin ang mga produktong nagmula sa hayop gaya ng semilya, skeletal muscle meat, sungay, kuko, at iba pa.

Hakbang ito para maiwasan ang pagkalat ng foot-and-mouth disease o FMD.

Tanging mga kargamentong naglalaman ng mga produktong pinatay o ginawa bago o noong Marso 6 ang papayagang makadaan, maikarga, at makapasok sa bansa basta negatibo sa FMD.

Marso 2, 2025 nang maiulat na nagkaroon ng outbreak doon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble