DA, umaasang mas kaunti ang magiging pinsala sa agrikultura ngayong taon

DA, umaasang mas kaunti ang magiging pinsala sa agrikultura ngayong taon

INAASAHAN ng Department of Agriculture (DA) na mas kakaunti na lang ang magiging pinsala sa sektor ng agrikultura ngayong taon.

Bunsod ito ng mas paborableng lagay ng panahon.

Kasunod na rin ito sa ulat ng DA-Disaster Risk Reduction and Management Operations Center na minimal lamang ang naging epekto ng bagyong bising at ng Habagat.

Sa datos, nasa P300, 863 lang ang halaga ng pinsala na naitala sa palay.

Ayon naman kay DA Asec. Arnel de Mesa, mas naging kapaki-pakinabang ang panahon ng tag-ulan ngayong taon kumpara sa matitinding kondisyon noong nakaraang taon na may salit-salitang epekto ng El Niño at La Niña.

Dahil dito, inaasahang bababa rin ang dami ng aangkating bigas.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble