Daan-daang mga pasahero sa NAIA Terminal-2, nakaranas ng delay dahil sa internet outage

Daan-daang mga pasahero sa NAIA Terminal-2, nakaranas ng delay dahil sa internet outage

PASADO alas dose, Martes ng madaling araw, nagsimula na ang internet outage sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal-2.

Dahil dito napilitan na lamang gumamit ng mano-manong check-in ang AirAsia Philippines sa mga papaalis na mga pasahero para sa domestic flights.

Dahil sa mabagal ang manual check-in procedures ay humaba ang pila ng mga pasahero at nagresulta ng delay sa kanilang flights.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), ang kawalan ng koneksiyon ay nagmula sa IT at telecommunication provider ng AirAsia Philippines na ang sistema ay hindi makakonekta sa server.

Dahil dito naapektuhan ang South Wing Check-in Counter 22 hanggang 41 na ginagamit ng AirAsia Philippines sa NAIA Terminal-2.

Bilang tugon sa insidente, agad na umasiste ang MIAA para maibsan ang pagsisikip at matiyak ang ginhawa ng mga pasahero.

Apat na flights ng naturang airlines ang nakaranas ng delay. Ngunit sa kabila nito, wala namang nakanselang flights dahil sa internet failure.

Samantala, tanghali na nang bumalik ang sistema ng AirAsia sa NAIA Terminal-2.

Ang insidente ay una na rin nangyari sa Philippine Airlines (PAL) noong Lunes kung saan na-delay rin ang ilan sa kanilang domestic flights.

Marso 14, 2024, ang dating Presidential Spokesperson na si Atty. Harry Roque ay nag post din sa kaniyang Facebook page kaugnay ng naranasan niyang pagbagsak ng computer system sa NAIA na nagbunga na pagkadelay ng kaniyang flight.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble