DUMALO ang daan-daang mga residente ng Brgy. Severino De Las Alas, Cavite sa Town Hall meeting ni Pastor Apollo C. Quiboloy for Senator Movement sa covered court.
Iba’t ibang sector mula sa naturang lugar ang namulat sa totoong pagkatao ni Pastor Apollo C. Quiboloy dahil sa ginawang pagpupulong, kabilang ang hanay ng kabataan, senior citizens, tricycle drivers at iba pang mga residente ng nasabing barangay.