SA kabila ng malayong distansya, nagtipon ang daan-daang OFWs sa Auckland, New Zealand ngayong Marso 16 para sa isang makabayang ‘Bring PRRD Home’ event.
Ang pagtitipon ay isang pagpapakita ng matinding pagmamahal ng mga Pilipino sa dating Pangulong Rodrigo Duterte, lalo na matapos ang umano’y iligal na pag-aresto at pagdala sa kanya sa International Criminal Court sa The Hague, Netherlands.
Marami sa kanila ang nagbahagi ng kalungkutan at galit kaugnay ng mga nangyayaring ito sa Pilipinas.