“Dabawenyos Are Not For Sale Rally”, vs Cha-cha, ikinasa sa Davao City

“Dabawenyos Are Not For Sale Rally”, vs Cha-cha, ikinasa sa Davao City

ISANG malawakang pagtitipun-tipon ng mga Dabawenyos ang ikinasa ngayong araw bilang pagkondena sa kumakalat na signature campaign para sa mungkahi pagpapalit ng Saligang Batas kapalit ng isandaang piso.

Bilang suporta sa matapang na panawagan ni Davao City 1st District Congressman Paolo Duterte, isang malawakang rally ang isinagawa ng iba’t ibang grupo mula sa iba’t ibang sektor ng Calinan District na binubuo ng 19 na brgy.

Bukod sa mga kapitan kaisa rin dito ang grupo ng mga kababaihan at kabataan, IP’s, Muslim communities, PWD’s, senior citizens at brgy. constituents.

Layon nitong kondenahin ang nasabing pirma kapalit ng Cha-cha.

Bitbit ang mga streamers, tarpaulines at placards iginiit ng mga nagkakaisang Dabawenyo na hindi sila magpadala sa matatamis na dila ng sinuman para ipagkanulo ang kanilang lugar sa korapsiyon, pang-aabuso sa posisyon at kapangyarihan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter