TINITINGNAN ng mga sumusuporta sa People’s Initiative (PI) tungo sa pagkakaroon ng Charter Change (Cha-Cha) ang pagsasagawa ng plebisito ngayong Hunyo 2024.
Ang certification ng mga boto mula sa isasagawang plebisito ay gagawin naman sa Hulyo 2024.
Ayon ito kay Albay 2nd District Rep. Joey Salceda na isa rin sa mga sumusuporta sa PI.
Ang pagkakaroon ng plebisito sa Hunyo 2024 ay angkop lang din aniya para bigyan ng sapat na panahon bago ang gaganaping May 2025 midterm elections.
Samantala, sinabi ni Salceda na hindi nila regalo para sa susunod na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang naturang hakbang.
Iniisip lang anila ng mga taga-suporta ng pagkakaroon ng Charter Change sa pamamagitan ng PI na wala nang ibang aatupagin dahil sa Oktubre 2024 ay filing of candidacy na sa nais tumakbo sa midterm polls.