MAGPAPATUPAD ng dagdag-bawas presyo sa produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis simula ngayong araw, Pebrero 4.
Sa anunsiyo ng Shell Pilipinas, Seaoil at Caltex, tataas ng P0.70 ang presyo kada litro ng kanilang gasolina.
Habang mababawasan naman ng P1.15 ang kada litro ng kanilang diesel at P0.90 sa kerosene.
May kaparehong dagdag-bawas presyo naman sa gasolina at diesel ang Cleanfuel at iba pang kompanya ng langis.
Epektibo ang panibagong oil price adjustment alas-6 ng umaga, maliban sa Cleanfuel na alas-8:01 ng umaga.
Sa ngayon, ito na ang ikalawang linggong may bawas-presyo sa diesel at kerosene.