EPEKTIBO na ngayong araw, Hunyo 3, 2025 ang pagtaas sa presyo ng ilang produktong petrolyo.
Nasa 40 sentimos ang itataas sa presyo ng kada litro ng gasolina.
30 sentimos naman ang itataas sa kada litro ng diesel habang bababa ng 10 sentimos ang kada litro ng kerosene.
Ayon sa Department of Energy – Oil Industry Management Bureau, inaasahan na ang dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.
Bunsod ito sa posibleng bagong sanctions ng Estados Unidos laban sa Russia, pagluwag ng tensiyon sa mga taripa sa pagitan ng Estados Unidos at European Union, at inaasahang dagdag-produksiyon ng petrolyo sa Hulyo.