Dagdag-bawas sa presyo ng langis asahan ngayong Martes—DOE

Dagdag-bawas sa presyo ng langis asahan ngayong Martes—DOE

INANUNSIYO ng Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) na magkakaroon ng magkahalong paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo simula bukas, alas-6:00 ng umaga.

Batay sa pagtataya, posibleng mabawasan ng P0.15 o madagdagan ng P0.30 ang kada litro ng gasolina sa susunod na linggo.

Maaari namang walang pagbabago o may bahagyang tapyas na P0.40 sa presyo ng kada litro ng diesel.

Habang inaasahan din ang P0.20 hanggang P0.40 na rollback sa presyo ng kada litro ng kerosene.

Ayon sa DOE, ang posibleng pagtaas sa presyo ng gasolina ay dulot ng pagtaas ng pandaigdigang demand sa langis.

Samantala, ang rollback naman ay iniaakibat sa mga ulat ng progreso sa US-Iran nuclear deal at sa paglamig ng tensiyon sa kalakalan ng US at China.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble