Dagdag na mga guro solusyon sa learning crisis ng bansa—Senado

Dagdag na mga guro solusyon sa learning crisis ng bansa—Senado

IGINIIT nina Sen. Joel Villanueva at Sherwin Gatchalian na mahalaga ang pagkuha ng mas maraming guro para matugunan ang lumalalang learning crisis ng mga estudyante sa bansa.

Ayon sa kanila, hindi sapat ang kasalukuyang bilang ng mga guro upang matugunan ang learning gaps kaya’t kailangang gawing prayoridad ng pamahalaan na tugunan ang isyu.

Ani Sen. Gatchalian, kailangang pabilisin ng Department of Education (DepEd) ang proseso ng recruitment, selection, at appointment upang mapababa ang kasalukuyang hiring period na anim na buwan.

Samantala, sinabi naman ni Sen. Villanueva na may kakulangan din sa special education teachers, guidance counselors, at administrative staff na kailangang punan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble