EPEKTIBO na ngayong araw ng Martes, Enero 16 ang dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo.
Kaninang alas-sais ng umaga, epektibo ang 90 centavos na taas-presyo sa kada litro ng kerosene at diesel habang 30 centavos naman sa gasolina sa mga kompanya ng Pilipinas Shell at Seaoil.
Habang ang Caltex naman ay una nang nagpapatupad ng kaparehong dagdag-presyo kaninang alas dose ng madaling araw.
Magpapatupad naman ng kaparehong price adjustment sa kanilang gasolina at diesel ang mga kompanyang Jetti Petroleum at Petrogazz epektibo rin ngayong alas sais ng umaga.
Habang kahapon, Lunes ng alas-kwatro ng hapon naman epektibo ang kaparehong taas-presyo sa gasolina at diesel ng kompanyang Cleanfuel.