Dagdag-singil sa toll fee ng MCX, epektibo ngayong araw

Dagdag-singil sa toll fee ng MCX, epektibo ngayong araw

EPEKTIBO na ngayong araw, Marso 18 ang taas-singil sa toll fee sa Muntinlupa-Cavite Expressway (MCX).

May P1 dagdag ang singil para sa Class 1 vehicles, P2 para sa Class 2 at P3 para sa Class 3.

Ang dagdag-singil ay kasunod ng pag-apruba ng Toll Regulatory Board (TRB) sa second trance ng toll rate adjustment sa MCX.

Ang MCX na tinaguriang pinakaiksing toll road ay may habang apat na kilometro mula sa Daang Hari at Daang Reyna patungo sa Susana Heights sa Luzon Expressway (SLEX).

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble