Dagupan LGU, UNICEF, DOH at CHO, nag-sanib pwersa para sa usaping pangkalusugan

Dagupan LGU, UNICEF, DOH at CHO, nag-sanib pwersa para sa usaping pangkalusugan

PALALAKASIN ng lokal na pamahalaan ng Dagupan, UNICEF, at Department of Health (DOH) ang immunization program para sa mga batang Dagupeño na may edad 6 hanggang 59 months kontra measles.

Nagbigay ng all-out support si Mayor Belen T. Fernandez sa adhikaing ito sa pamamagitan nina Christian Vasquez, consultant mula sa Spain ng UNICEF; Bernie Bersola, procurement service officer ng UNICEF; Dr. Amadeo Zarate, development management officer IV ng DOH; Dr. Maria Julieta de Venecia, medical officer IV at Cristina Cayabyab, nurse IV ng City Health Office.

Tuluy-tuloy ang isinasagawang misting operation ng City Health Office (CHO) alinsunod sa direktiba ni Fernandez upang mapigilan ang kaso ng dengue simula sa mga paaralan at barangay.

Kasama sa mga lugar tinungo ng CHO para sa misting operations ng siyudad nitong Martes ang Sitio Acasia, Pulong at  Baybay, Brgy. Pantal na may 400 na kabahayan.

Follow SMNI NEWS in Twitter