TALAGANG ang Pilipinas ay isang powerhouse sa mundo ng pageantry. Hindi maipagkakaila na parte na ng kulturang Pilipino ang pagmamahal sa mga beauty pageant, kung saan ibinibida sa mundo ang ganda at galing ng isang Pilipina. Sa bawat korona’t titulo na nasusungkit, hatid nito ay karangalan para sa bayan.
Sa nalalapit na coronation night ng longest-running pageant sa bansa, ang Binibining Pilipinas, handang-handa na ang mga kandidata na ipakita ang kanilang talento, husay sa pagrampa, talino sa Q&A, at siyempre, ang taglay na kagandahan.
Magaganap ito sa darating na June 15, 8PM, sa Smart Araneta Coliseum. Tatlumput-anim (36) na delegates ang maglalaban-laban para sa dalawang titulong Binibining Pilipinas International at Binibining Pilipinas Globe.
Ang mga mananalo ay lalaban sa piling global competitions ngayong 2025 at 2026.
On the way to Japan na rin ang reigning Binibining Pilipinas International na si Myrna Esguerra para sa 63rd Miss International pageant na gaganapin ngayong Nobyembre.
Sa coronation night, ipapasa niya ang korona sa susunod na pambato ng bansa. Ganoon din si Jasmin Bungay, Miss Globe 2024 2nd runner-up, na magpapasa rin ng kanyang titulo.
Magiging host ng gabi ang mga beauty queens na sina – Nicole Cordoves, 2016 Miss Grand International 1st runner-up, MJ Lastimosa, 2014 Miss Universe Semifinalist, Kylie Verzosa, 2016 Miss International at Maureen Montagne, Miss Globe 2021.