Dalawang most wanted persons, arestado sa Quezon City

Dalawang most wanted persons, arestado sa Quezon City

Inanunsyo ni Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGen. Redrico A Maranan, ang pagkakadakip ng dalawang most wanted persons sa bisa ng warrant of arrest kahapon, July 3, 2024 sa Quezon City.

Ayon sa report ng Novaliches Police Station (PS 4) sa pamumuno ni PLTCOL Reynaldo Vitto, kinilala ang akusado na si Ivy Dimla, 41 years old, nakalista bilang No. 9 Station Level MWP at residente ng Brgy. San Agustin, Novaliches, Quezon City.

Siya ay naaresto dakong ika-3:30 PM sa Thus St., Silo Kawayan, Brgy. San Agustin, Novaliches, Quezon City sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 na inisyu ng Branch 103, Regional Trial Court (RTC), Quezon City.

Sa ikinasang operasyon naman ng Project 6 Police Station (PS 15) sa pamumuno ni PLTCOL Richard Mepania, naaresto ang kanilang No. 8 Station Level-MWP. Kinilala ang akusado na si Danilo Manangan Jr., 22 years old at residente ng Brgy. Bagong Pagasa, Quezon City.

Naaresto si Manangan dakong 12:00 PM sa No. 69 Road 2, Brgy. Bagong Pagasa, Quezon City, para sa kasong R.A 9165 na inisyu ng Branch 218, RTC, Quezon City.

Ang mga hukumang pinagmulan ng utos ng mga pagdakip ay aabisuhan sa pagkaaresto ng mga akusado.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble