DAR Chief, pinabilis pa ang pagbuo ng IRR para sa New Agrarian Emancipation Act

DAR Chief, pinabilis pa ang pagbuo ng IRR para sa New Agrarian Emancipation Act

IPINAG-utos na ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Conrado Estrella III na madaliin na ang pagbuo ng Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa New Agrarian Emancipation Act na nilagdaan kamakailan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Inatasan ng kalihim ang Seven-Man Committee na pinamumunuan ni Napoleon Galit, DAR Undersecretary for Legal Affairs bilang chairman, Engr. Alex Lorayes, Land Bank Executive Vice-President bilang vice-chairman at Atty. Marilyn  Barua-Yap, DAR Undersecretary for Special Concerns and External Affairs and Community Operations.

Kasama rin si Engr. Eduardo Guillen, NIA acting administrator, Atty. Gerardo Sirios, LRA administrator, Atty. Marife Pascua, Land Bank Vice-President at Atty. Luis Meinrado Pangulayan, DAR Undersecretary for Policy Planning and Research, bilang mga miyembro.

Ang komite ay nilikha sa bisa ng isang memorandum na inisyu ni Executive Secretary Lucas Bersamin, noong Agosto 3, 2023 sa ilalim ng DAR Special Order No. 508, alinsunod sa section 12.

Binigyang-diin ni Estrella ang kahalagaan nito para sa Comprehensive IRR upang maayos na maipatupad ang batas sa loob ng 60 araw na itinakdang panahon na pagkatapos ng bisa nito noong Hulyo 23, 2023.

Sa katunayan, inatasan din ng kalihim ang komite at ang technical working group na magsagawa ng mga public consultation sa mga Agrarian Reform Communities sa Luzon, Visayas at Mindanao.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble