DAR, magbibigay ng panibagong 3 ektaryang lupain sa pinaalis na Ati members sa Boracay

DAR, magbibigay ng panibagong 3 ektaryang lupain sa pinaalis na Ati members sa Boracay

IPINANGAKO ng Department of Agrarian Reform (DAR) na magbibigay sila ng tatlong ektarya ng lupain sa Ati Tribal Association Members ng Boracay Island.

Maliban pa sa tatlong ektarya ay bibigyan din ang mga ito ng lahat na assistance at support services.

Kasunod ito sa pagpapaalis sa kanila mula sa mga lupang ibinigay ng nakaraang administrasyon sa pamamagitan ng ipinamahaging Certificates of Land Ownership Awards (CLOAS).

Iilan sa mga rason ng pagpapaalis batay sa paliwanag ng kasalukuyang namamahala ng DAR, hindi angkop sa pagsasaka ang mga lupang naibigay sa Ati members kung kaya’t ililipat ang mga ito.

Hindi rin anila pagmamay-ari ng pamahalaan ang naibigay na lupa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble