Termino ng barangay officials, nais palawigin ni Sen. Imee Marcos

Termino ng barangay officials, nais palawigin ni Sen. Imee Marcos

NINANAIS ni Sen. Imee Marcos na aabot ng anim na taon ang termino ng barangay officials.

Paliwanag ng senadora, maiksi ang tatlong taon para makita at maisakatuparan ang mga ninanais nilang proyekto.

Sa tatlong taon pa aniya ay pawang mga polisiya at proyekto ng national, city, at provincial government units ang ipinapatupad ng mga barangay official.

Sa inihaing panukala ng senadora, ang susunod na regular barangay elections ay isasagawa sa huling Lunes ng Oktubre 2029.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter