Dating miyembro ng Abu Sayyaf Group, naaresto matapos magtago ng halos 16 taon

Dating miyembro ng Abu Sayyaf Group, naaresto matapos magtago ng halos 16 taon

SI Raba ay isang dating miyembro ng Abu Sayyaf Group na tinaguriang most wanted person dahil sa pagkakasangkot sa iba’t ibang uri ng krimen gaya ng kasong kidnapping at serious illegal detention.

Si Raba ay dating nasa ilalim ng pamumuno ng nasawing Abu Sayyaf lider na si Isnilon Hapilon na nakabase sa Basilan.

Kasama siya sa mga sangkot sa Golden Harvest kidnapping sa Taran, Lantawan, Basilan noong 2001, pati na rin sa mga kasong extortion, pamamaslang, at pag-ambush sa ilang sundalo sa lalawigan ng Basilan.

Ayon sa mga impormasyon, nagtago si Raba sa iba’t ibang lugar sa BARMM matapos masakote ang dating lider nito na si Isnilon Hapilon.

Patuloy na binabalaan ng mga awtoridad, katuwang ang PNP-CIDG, ang mga kriminal sa bansa na patuloy ang pagtugis sa kanila.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble