Dating ng bivalent vaccine sa bansa, maantala—DOH

Dating ng bivalent vaccine sa bansa, maantala—DOH

INIHAYAG ni Department of Health (DOH) OIC Usec. Maria Rosario Vergerie na maantala ang pagdating ng bivalent vaccine sa Pilipinas.

Sa unang anunsiyo ng DOH, sa ikatlo o ikaapat na linggo sa Marso ang dating nito sa bansa.

Paliwanag ni Vergerie na dahil sa paglapse ng state of calamity ay may mga bagay na kailangan munang ma-address gaya ng immunity from liability at ang indemnification clauses na nirerequire ng mga vaccine manufacturer at ng international agreements.

Hihingi aniya muna sila ng guidance sa Office of the President kung papasok sila sa ganitong kasunduan bago tuluyang uusad ang transaksiyon para sa naturang bakuna.

Sa oras naman na dumating na ang bivalent vaccine, ito ay ilalaan muna sa vulnerable sector.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter