Dating Pangulong Duterte, nagboluntaryong maging administrator ng KOJC properties

Dating Pangulong Duterte, nagboluntaryong maging administrator ng KOJC properties

BOLUNTARYO na inialok ni Former President Rodrigo Roa Duterte ang kaniyang sarili para maging administrator ng mga pag-aari ng kongregasyon ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Iyan ang inihayag ng dating pangulo nitong Linggo kasama si Pastor Apollo ng Kingdom of Jesus Christ ( KOJC) at ilang sikat na bloggers.

Ayon kay FPRRD, dahil sa mga pinagdadaanan ni Pastor Apollo ngayon, inialok niya ang pagpapatakbo sa mga ari-arian ng Kingdom maliban na nga lang sa paghawak ng pera.

“The present rumblings, I would say, would maybe distract the Pastor from the day-to-day operations. Hindi niya matanong. So it was I who offered na “Pastor, in the meantime that you are trying to figure out the things which you have to do or say regarding this present whatever, it might be legal, it might be anything else, ako na muna ang magpatakbo,” pahayag ni Former Pres. Rodrigo Duterte, Republic of the Philippines.

“I offered to parang to take his place. I-supervise ko lang. Punta ako doon sa Glory Mountain, tingnan ko ‘yung mga trabaho, ‘yung mga bulaklak na well-tended, nagbu-bloom to make people happy.”

“Except the finances. Sa pagpapatakbo kung anong ipapatakbo, pero ang pera, ilayo mo ako diyan. Dito lang ako sa mga properties to see to it that it is preserved well for the congregation na magamit ninyo sa habang panahon the buildings and the properties which the Kingdom owns,” pahayag ni Former President Rodrigo Roa Duterte, Republic of the Philippines.

Isa rin aniyang pagtanaw ng utang na loob ang hakbang na ito dahil sa lahat ng naitulong ni Pastor Apollo at ng Kingdom sa kaniya at kaniyang pamilya sa mahigit tatlong dekada nilang pagkakaibigan.

“Buhay ni Pastor iyan eh. It’s not even a hobby or a habit for him. It’s his life. It is his essence ng pagkatao niya. So inaalagaan ko lang. Kung wala siya dito at magkaroon siya ng problema, it could take him time to be in Manila or somewhere else.”

“Walang drama itong pagsasama ko kay Pastor. Totohanan ito and I will stake my life and honor sa commitment ko sa kanya. Iyan ang utang na loob para malaman ninyo,” ayon pa kay FPRRD.

Pastor Apollo kay FPRRD: Hindi lang kaibigan kundi tagapagtanggol

Ayon naman kay Pastor Apollo, malaki rin ang utang na loob ng Kingdom sa dating pangulo.

Ibinahagi ng butihing Pastor na maraming pinagdaanan ang kaniyang kongregasyon habang ito ay umuusbong pa lamang at si Dating Pangulong Duterte ang siyang tumulong upang maresolba ang mga problemang ito.

“Ang Kingdom, malaki din ang utang na loob kay Mayor kasi habang lumalaki tayo, nagkaroon din tayo ng maraming problema. Unang-una itong property na ito which is 30-hectares sa panahon ni Erap, this is a supposed to be sequestered by the government for the airport. Itong buong buo.”

“Sabi ni Mayor, huwag. Oh ‘di napigilan ‘yung presidente at nanatili ang Kingdom. Nandito ngayon. ‘Yung pangalawa, ‘yung Prayer Mountain, nagkaroon din tayo ng problema doon about conversion. Dinemanda ako ng illegal conversion of land. Hindi ko naman alam ang batas na iyon. Mabibilanggo ako ng 6 years kung convicted. Si mayor din ang lumakad nu’n. Nagtiis siyang lumakad at pinuntahan ang lahat ng mga dapat puntahan and I was on the brink of being put to jail and Mayor was there.”

“So iyon ang tulong niya and also on many occasions Glory Mountain, nagkaroon din ako ng isyu doon sa mga NPA, sa mga katutubo na niloko ng mga NPA.”

“Mayor without telling me pumunta siya doon sa mga concern ng mga katutubo at in-appease niya sila na “hindi ganyan si Pastor, hindi ganoon ang intensyon natin.”

“Hanggang nagkasundo na kami ngayon. May peace na kami. Ginawa pa nga akong Datu Pamulingan ng mga katutubo nating kapatid,” pahayag ni Pastor Apollo.

Kaya naman para kay Pastor Apollo, hindi lamang kaibigan ang dating pangulo kundi isang tagapagtanggol lalo na sa panahon ngayon na kaliwa’t kanang pekeng alegasyon at mga isyu ang kinakaharap nito.

“Hindi naman ako humingi ng tulong sa kanya pero siya talaga ang nagsabi. “Pastor, tulungan kita. Gawin mo akong administrator sa mga legal properties ng Kingdom. Buong Kingdom sa buong Pilipinas.”

“Kaya kayo kung nag-aambisyon kayo, sabi ni Mayor, kahit dahon kapag humawak kayo diyan, kailangan mag-permission kayo sa kanya. Kahit isang bakal hawakan ninyo diyan sa gate, magkakasala kayo. Kaharap ninyo si Mayor,” ayon pa kay Pastor Apollo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble