PABOR si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na buwagin na o ipagbawal ang fraternities at sororities sa bansa.
“If you want really an honest answer, if you want to do away with hazing and other harmful practices in a fraternity, iyong solusyon ni [Juan Ponce] Enrile eh tama talaga, totally banned iyong fraternities pati sororities in our schools,” saad ni dating Pangulong Duterte.
Sang-ayon si dating Pangulong Duterte sa sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na dapat nang i-abolish ang mga fraternity.
Ito’y kasunod ng panibagong kaso ng hazing kung saan isang estudyante ng Adamson University na si John Matthew Salilig ang nasawi nitong Pebrero.
Ayon kay Enrile, kailangan nang buwagin ang mga fraternity upang mawakasan na ang mga ganitong uri ng karahasan.
Sa programang “Gikan sa Masa, Para sa Masa” nitong Marso 7, nagpahayag din si Pangulong Duterte ng kanyang saloobin patungkol sa isyu.
“Pero alam mo, pati si Enrile- Enrile is Sigma Rho yan sa UP. Ako Lex Talionis ako sa San Beda. Sa San Beda ako nag-graduate eh. Alam mo sa totoo lang, about 3 years earlier, ako, as President, signing the document, and to all the justices sa Supreme Court na classmate ko sa San Beda, pati frat ko, signed a document addressed to our fraternity to stop hazing. Pero alam mo hindi ito nadadala ng batas,” dagdag ni FPRRD.
Dating Pangulong Duterte, naging biktima rin ng hazing noon
Kaunay nito, inamin naman ng dating Pangulo na pati siya ay biktima rin ng hazing noon.
“Mismo kasi ako dumaan rin. Pati ‘yan si Enrile sigurado dumaan ‘yan. I don’t know if I’m behaving correctly but dumaan din ako eh. As a matter of fact, I had to hospitalize ako sa Davao Doc. massive na trauma, hematoma sa palo,” saad pa ng dating Pangulo.
Nilinaw naman ni Duterte na bagama’t naging kasapi ito sa fraternity, hindi nito kailanman ninais na saktan ang sinuman.
Diin ng dating Pangulo, walang magandang maidudulot ang sobrang kalupitan sa loob ng fraternity.
“I do not want to inflict injury upon a helpless innocent. Yung walang kalaban-laban gaya ng (neophyte??) walang magawa eh. patayin mo man, katayin mo. Nothing good will come out to it, really. Yung extreme cruelty,” aniya pa.
Samantala, nanawagan naman ang Senado na pagtibayin ang pagpapatupad ng Anti-Hazing Act.
Kaugnay rito, isinusulong din ni Sen. Raffy Tulfo ang reclusion perpetua o panghabambuhay na pagkakakulong bilang parusa sa sinumang sangkot sa hazing.