Dating Prime Minister Shinzo Abe, binawian na ng buhay ayon sa local media

Dating Prime Minister Shinzo Abe, binawian na ng buhay ayon sa local media

KUMPIRMADONG patay si dating Japan Prime Minister Shinzo Abe habang ginagamot sa ospital ayon sa NHK Network at Jiji News Agency.

Ito’y matapos mabaril ng dalawang beses sa leeg at kaliwang bahagi ng dibdib sa isang assassination attempt na nangyari sa Nara City, Japan.

Binaril ang 67-taong gulang na dating Prime Minister habang nagbibigay ito ng talumpati sa kanyang pangangampanya sa nasabing lugar.

Ayon sa mga ulat, nasa state of cardiac arrest si Abe habang dinadala ito sa ospital at wala nang vital signs.

Ang pagkamatay ni Abe ay nagbunsod ng malawakang pagkagulat at pagkondena mula sa mga lider sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Naaresto naman ang 41-anyos na suspek na dating nagtrabaho sa Maritime Self-Defense Force ng Japan at nasa kostudiya na ng mga otoridad.

Nakuha mula sa suspek ang homemade na baril na hinihinalang ginamit sa pamamaril.

Follow SMNI News on Twitter