Dating Senador Enrile, iginiit na ibalik ang 1935 Constitution

Dating Senador Enrile, iginiit na ibalik ang 1935 Constitution

KUNG si dating beteranong Senador Juan Ponce Enrile ang tatanungin pabor siya na baguhin ang Saligang Batas.

Iminungkahi ni Enrile sa pagdinig ng Committee on Constitutional Amendments and Revision Codes na pinamumunuan ni Senador Robin Padilla na ibalik na lamang ang 1935 Constitution na para sa kanya ay ang pinakamagandang Konstitusyon sa kasaysayan.

“Ngayon kung tanungin niyo ako, ano ang gagawin natin, marami po. Unang gagawin natin go back, that is my preference ha, I am not binding anybody, go back to the 1935 Constitution,” pahayag ni Enrile.

Nag-ugat ang pahayag ni Enrile matapos siyang tanungin ni Padilla kung ano ang kanyang masasabi sa pagdedeklara ng Martial Law noong Setyembre 21, 1972.

Ayon kay Enrile, naranasan niya na mabuhay sa ilalim ng 1935 Constitution hanggang 1987 Constitution.

Ipinaliwanag ng beteranong senador na ang 1935 Constitution ay simple at maiksi kung saan madaling maunawaan.

At ang 1973 Constitution may katangian dahil sa karanasan natin mula Commonwealth hanggang deklarasyon ng Martial Law.

Subalit iginiit ni Enrile na ang 1987 Constitution ay ginulo ang martial Law Provision ng 1935 at 1973 Constitution.

“Ang sinasabi po ng ating tatay ay patungkol po kasi dito sa 1935 Constitution at 1973 ay malinaw po dun sa probisyon at seksyon na yun ang pagdedeklara ng Martial Law ay kung may rebelyon, insureksyon o imminent danger, napakaganda po nun. Noong 1987 Constitution tinanggal dun ang imminent  danger,” pahayag ni Padilla.

“Ibig sabihin ni Cory, kung nariyan na ‘yung giyera, kapag pinagbabaril na ‘yung mga pulis at sundalo natin ay dun na ako magdedeklara ng Martial Law, hindi pwede yun eh. Ang sinasabi ng 1935 Constitution at 1973 Constitution pag nakita mo na at natiyak mo sa sarili mong desisyon na ang bansa mo ay namemeligro na salakayin o wawasakin ng insurekto o rebelyon gumalaw ka na gamitin mo ang kamay na bakal para masugpo ang ‘yang problema na yan para walang tao na masasalanta o mamatay dahil tamad ka o takot ka na magdesisyon,” ayon naman kay Enrile.

Hindi rin pabor ang dating Senate President sa six year term ng mga senador sa ilalim ng 1987 Constitution.

“Delikado yan. They did not understand why under the 1935 Constitution, the wise men of the Philippines; Recto, Alunan, Cuenco, Briones, Laurel, at Osias, Bocobo at sa kung sino dyan na magagaling ang utak ay ginawa nilang 24 but every 2 years ay exposed to the mandate of the people, 8 of this people, and 16 will remain standing all the time,” ani Enrile.

Sinabi ni Enrile na nasimulan sa 1935 Constitution ang 24 senators ngunit sa 1987 Constitution ay nakasaad na kalahati ng mga ito ay iboboto kada anim na taon.

Dahil naman sa patuloy na dumadaming populasyon ng bansa ay iminungkahi ni Enrile na doblehin ang kasalukuyang dami ng senators o gawin itong 48.

“With that 48, 16 will go out every two years to be elected by the people so that new, fresh, and modernized mind will enter the system to contribute to the intellectual capability or academic capability of the remaining members,” ayon kay Enrile.

Samantala, tahasang sinabi ni dating beteranong Senador Juan Ponce Enrile na idologs o matatalino pero bulok ang iilan sa mga gumawa ng 1987 Constitution.

Sa kanyang pagharap sa Senado ikinumpara pa ni Enrile ang mga nagdaang Saligang Batas na kanyang mga pinagdaanan simula 1935 Constitution hanggang 1987 Constitution.

Ayon kay Enrile, hindi matatawaran ang mga nasa likod o ang mga delegado sa pagtatag ng 1935 Constitution.

Aniya, piling-pili ang mga delegado noon subalit taong bayan ang nag-apruba at ang Estados Unidos din ang nag-apruba sa huli.

Maging ang 1973 Constitution ipinagmalaki ni Enrile na isa sa mga delegado noon at Chairman ng convention ay si dating Pangulong Diosdado Macapagal na isang bar topnotcher.

Aniya ang gumawa naman ng March 26, 1986 Constitution o ang Revolutionary Constitution o Freedom Constitution kung saan hindi aniya siya kinunsulta ay iisa lamang – si dating Senador Neptali Gonzalez.

Subalit ani Enrile, ang mga delegado noon ng 1987 Constitution ay magagaling din ngunit tinawag na idologs ni Enrile dahil may halong mga bulok.

Dagdag pa ng dating Senador na ang delegado noong 1987 Constitution ay pinili lamang at hindi halal ng bayan.

Ang masaklap pa aniya Enrile, sa nabuong 1987 Constitution ay isiningit ang kung anu-anong probisyon ang mga idologs para pahinain ang gobyerno na dapat sanang magbibigay ng proteksyon sa mga Pilipino.

Ang mga idinagdag na probisyon, ani Enrile, ay pinapaboran ang adhikain ng Communists Party of the Philippines, New People’s Army, at National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Follow SMNI News on Twitter