Dating VP candidate Walden Bello, inaresto dahil sa cyber libel case

Dating VP candidate Walden Bello, inaresto dahil sa cyber libel case

INARESTO sa kanyang tahanan ang dating kandidato sa pagka-bise presidente na si Walden Bello dahil sa libel case.

Nangyari ang pag-aresto kaninang alas 4:00 ng hapon sa Quezon City.

Sinampahan ng libel case ng dating Davao City Information Officer na si Jefry Tupas si Bello.

Matatandaan na inakusahan ni Bello si Tupas na isa itong drug dealer na itinanggi naman ng huli.

Ayon kay Tupas, ang akusasyon ni Bello ay isang ‘serious accusation’ na walang basehan.

Ngunit sa panayam kay Bello sa QCPD Police Station 8, iginiit nito na wala siyang kasalanan sa batas.

Nakatakda namang ilipat si Bello sa Camp Karingal ayon na rin sa utos ng District Director ng QCPD.

Follow SMNI News on Twitter