Davao City, masiglang ipinagdiwang ang Pride Month kasama si VP Sara Duterte

Davao City, masiglang ipinagdiwang ang Pride Month kasama si VP Sara Duterte

MASAYA po tayong nakilahok at ipinakita ang buong suporta sa sektor ng LGBTQIA+ sa pagdiriwang ng Pride Month sa Davao City ngayong buwan kung saan ay nasaksihan natin ang kanilang mga aktibidad sa lungsod.

Pinamalas nila ang kanilang sportsmanship sa Duaw Davao Pride Sportsfest Basketball Championship na isinagawa sa Davao City Recreation Center na sinundan naman ng makulay na Duaw Davao Pride Parade kung saan ating natunghayan ang patunay na buhay ang pagkakaisa ng sektor ng LGBTQIA+ sa ating bansa.

Ang ating pakikiisa sa sektor ng LGBTQIA+ ay pagpapakita ng ating paggalang, pagtanggap, at pagmamahal sa ating kapwa.

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the Inday Sara Duterte Facebook Page.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble