Dayuhang manggagawa na papasok sa Malaysia kinakailangang may bakuna kontra COVID-19

Dayuhang manggagawa na papasok sa Malaysia kinakailangang may bakuna kontra COVID-19

INIHAYAG ng Malaysian Employers Federation (MEF) na dapat bakunado kontra COVID-19 ang mga dayuhang manggagawa sa kani-kanilang bansang pinagmulan bago pumasok ng Malaysia.

Ayon kay MEF President Datuk Dr Syed Hussain Syed Husman, iminungkahi ang hakbang dahil sa Pharmaniaga Berhad, ang nag-iisang tagapamahagi ng bakuna sa COVID-19 sa Malaysia ay nawalan ng halos RM-216 milyon (two hundred sixteen million Mringgit) o 38% ng market capitalization sa isang linggo pagkatapos ng isang RM552-milyon na probisyon ng bakuna na nagdulot ng takot sa mga mamumuhunan sa mga bahagi ng kompanya.

Aniya, hindi kinakailangang gawing sapilitan ang booster shot para sa mga dayuhang manggagawa.

Sa kasalukuyan, ang mga dayuhang manggagawa ay kinakailangang sumailalim sa isang medical check-up sa kanilang sariling bansa at maideklarang medically fit bago makapagtrabaho sa Malaysia.

Samantala, sa loob ng isang buwan ng kanilang pagdating, ang mga dayuhang manggagawa ay kinakailangang sumailalim sa medical check-up ng Foreign Workers Medical Examination Monitoring Agency (FOMEMA) at kung hindi makapasa, ibabalik ang mga dayuhan sa kani-kanilang mga bansang pinagmulan.

Follow SMNI NEWS in Twitter