NAGPAHAYAG ng kumpiyansa ang pamunuan ng Department of Budget and Management (DBM) na mananatili ang patuloy na pagbaba ng inflation rate.
Inihayag ito ni DBM Secretary Amenah Pangandaman kasunod ng anunsiyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Biyernes, Agosto 4, na higit pang bumaba ang inflation sa 4.7 porsiyento nitong Hulyo, mas mababa kumpara sa 5.4 porsiyento noong Hunyo.
Ito ang pang-anim na buwan na magkakasunod ang pagbaba ng inflation rates mula noong umabot ito sa 8.7 porsiyento peak noong Enero.
Pinuri din ng Budget Secretary ang bisa ng kasalukuyang economic strategies ng administrasyon sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Ang pagbawas sa rate ng Hulyo inflation ay pangunahing nauugnay sa pagbaba ng mga presyo sa pabahay, tubig, kuryente, gas, at iba fuels; food and non-alcoholic beverages; at transportation.
Matatandaang nilagdaan ni Pangulong Marcos, noong Mayo 26, 2023, ang Executive Order No. 28 na lumikha ng Inter-Agency Committee on Inflation and Market Outlook (IAC-IMO) na nagpahuhusay sa koordinasyon at pagkilos ng mga ahensiya ng gobyerno sa pamamahala ng inflation at pagpapagaan sa mga epekto ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa mamamayang Pilipino.