DBM inaprubahan ang ₱2,000 dagdag honoraria para sa mga guro at poll workers sa Halalan 2025″

DBM inaprubahan ang ₱2,000 dagdag honoraria para sa mga guro at poll workers sa Halalan 2025″

Mayo 9, 2025 – Maynila, Pilipinas—Inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang dalawang libong piso (P2,000) na across the board increase sa kompensasyon ng mga guro at iba pang poll workers na maglilingkod sa darating na National and Local Elections sa May 12, 2025.

Ito ang inanunsyo ni DBM Secretary Amenah Pangandaman.

Narito ang bagong honoraria rates para sa mga miyembro ng electoral board:

  • ₱12,000 mula sa dating ₱10,000 para sa chairperson;
  • ₱11,000 mula sa ₱9,000 para sa poll clerk;
  • ₱11,000 mula sa ₱9,000 para sa ikatlong miyembro;
  • ₱8,000 mula sa ₱6,000 para sa support staff.

Hinikayat naman ng budget chief ang mga kinauukulang ahensya na tiyakin ang agarang pagpapalabas ng dagdag sa benepisyo para sa mga guro at poll workers sa nalalapit na halalan.

Saad ng DBM, ang budgetary requirement para sa kompensasyon ng mga poll worker ay aabot sa mahigit pitong bilyong piso (₱7.480-B), alinsunod sa Fiscal Year 2025 General Appropriations Act.

Ayon sa Commission on Elections (COMELEC), tinatayang nasa kabuuang mahigit pitong daan at limampung libong (758,549) poll workers ang magsisilbi sa pambansa at lokal na halalan.

Base sa Election Service Reform Act at COMELEC Resolution No. 10194, ang mga nagsisilbi sa halalan ay may karapatang makatanggap ng honoraria, travel allowance, communication allowance, meal allowance, at service credit.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble