DBM, inaprubahan na ang P454-M para sa medical vehicles procurement

DBM, inaprubahan na ang P454-M para sa medical vehicles procurement

APRUBADO na ng Department of Budget and Management (DBM) ang release ng P454M para sa procurement ng second batch ng medical vehicles.

Mula sa naturang pondo, makakabili na ang Department of Health (DOH) ng 173 na mga sasakyan.

Saklaw rito ang 161 at apat na units ng mga land and air ambulance; apat na passenger vans; dalawang mobile clinics; at tig-iisang patient transport at blood donation van.

Noong Hunyo ay inaprubahan na rin ng DBM ang pagbili ng 141 na mga medical vehicle.

Layunin ng pagbili ng medical vehicles ang mas mailapit pa sa taong bayan ang medical services ng pamahalaan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble