UMABOT na sa 50 katao ang nasawi dahil sa naganap na landslide malapit sa Caracas, Venezuela.
Nangyari ang landslide noong October 8 at ayon kay Venezuela Vice President Delcy Rodriguez, resulta ito sa matinding pag-ulan na nararanasan ng bansa.
Ayon naman kay Venezuela Nicolas Maduro, ito na ang pinakamalalang kalamidad na dumating sa kanilang bansa simula noong 1999.
Samantala, ipinangako ng pamahalaan na tutulungan nito ang lahat na apektado ng landslide sa muling pagpapatayo ng kanilang mga bahay o mga negosyo.