December Avenue nag-debut sa Top Philippine Songs chart

December Avenue nag-debut sa Top Philippine Songs chart

HUGOT at himig ang muling namayagpag sa music charts ngayong linggo! Patunay na hindi pa rin kumukupas ang appeal ng OPM band na December Avenue, matapos pumasok sa Top Philippine Songs chart ang kanilang kantang “Bulong”—limang taon matapos itong ilabas!

This week, nakuha nito ang No. 22 spot sa nasabing charts.

Hindi lang ‘yan, dahil patuloy ang pag-angat ng ‘Bulong,’ na mula sa No. 46 spot sa Billboard Philippines Hot 100 sa previous week ay umarangkada ito sa No. 38 ng Hot 100.

Nagsimula noong 2007 bilang ‘Sense of Sound,’ hanggang sa in-adopt ang pangalang ‘December Avenue,’ nakilala ang grupo dahil sa kanilang heartfelt songs na may temang love, heartbreak, at personal growth.

Ang kanilang pangalan ay sumisimbolo sa kanilang layunin na makagawa ng musika para sa kanilang mga tagahanga nang maka-move forward sa buhay, kung saan ang ‘December’ ay huling buwan ng taon, at pagtatapos ng isang chapter, at ang ‘Avenue’ naman ay sumisimbolo sa landas patungo sa mga bagong simula.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble